nasaan ka ba dito?

Kasama ka ba sa nag-iingay habang may nakatayo at nagsasalita sa harapan mo? O nakaupo ka lang at ninanamnam ang bawat salita na sa harap mo'y nagmumula? Dapat mo nga bang baguhin yon o manatili nalang na ganon? Ako? Oo, tama marami rin akong maling ginawa na sa iba'y nakapagpahina. Nakita nila ang mga mali kong umaanino rin sa kanilang pagkatao, kinukubli ng hindi mo pagkibo at pagbabalat-kayo. Bakit nga ba may mga taong sadyang mahilig pumuna? Pinupuna ang bawat kilos mo at mga salita, ngunit ang mali nya'y hindi nya magawang itama. Oopss, teka teka teka muna itigil muna natin yung drama, balik tayo sa masasayang ala-ala. Sayang naman tong "picture" na to kung puro negatibo lang ang sasabihin ko. Naala-ala nyo pa ba ang lugar na yan kung saan nagpakuha tayo ng litrato? Sa hindi po nakakaalam, ang lugar na yan ay sa "New Zealand", ang ganda di ba BERDE ang paligid kahalintulad ng mga utak ng nasa paligid ko, oopss, sa mga kasama ko dito huwag kayong magalit JOKE lang yon. Ikaw na nagbabasa ngayon kung sino ka man huwag kang maniwala na sa New Zealand yan, IMBENTO ko lang yon. Ang lugar na yan ay sa "MALIGAYA" nag-tree planting kami ng aking mga kasangga sa pananampalataya. Nakapag-tanim naman ako ng tatlong puno, hindi ko nga lang alam kung ano na ang nangyari sa itinanim ko. Ano nga kaya? a) lumaki ang puno at umabot sa ulap b) namatay ang puno at hindi sya naihatid sa huling hantungan at hindi sya nabigyan ng matiwasay at maayos na burol c) namunga ang puno pero kinain ng ibon d) wala sa nabanggit. Teka nga mga kasama, matanong nga kita, nakapag-tanim ka ba? a) nagtanim hindi lang halata b) nagpa-picture pagkatapos kumain c) huwag kang magbintang, nagtanim ako d) naiwan sa tikiw dahil "late". Sa mga hindi namin nakasama dito, sayang naman, kasama sana kayo sa mga masasayang ala-alang pilit paring binabalik-balikan. Sa "BAGUMBUHAY" ang bundok na aming pagtataniman. Pag-akyat palang ng bundok ang saya na, may mga dala kaming piko, asarol, pala, at mga punong itatanim na dalawang metro ang taas. Sigaw dito, sigaw doon, sigaw ng mga taong nadudulas. Mainit ang sikat ng araw, madulas ang daan, pawisan, pero masaya, umaalingawngaw ang mga halakhak na nakakapawi ng pagod at uhaw. Kapag may nadulas, tawa, sa katatawa nadulas, tawa ulit, hanggang sa marating namin ang tuktok ng bundok. Ang sarap pala kapag ikaw ay nasa tuktok, makikita mo ang buong kapaligiran sa paanan ng bundok at ang mkakapal na ulap sa itaas na animo'y usok. Nagtanim kami ng mga punong sumisimbulo sa aming pagkakaisa at pagtutulungan, bubuhayin ng sikat ng araw at pagpatak ng ulan. Yayabong at magiging matatag habang kami'y nabubuhay.

No comments:

Post a Comment