dibay-dibayd

Ikatlong-baitang. Natatakot akong pumasok noong ako ay umabot na sa ikatlong-baitang, alam nyo ba kung bakit? Dahil sa kwento ng aking mga nakatatandang kapatid, terror daw si Ginang E. kaya ayun takot na takot ako. Unang araw ng klase, binigyan kami ng aklat, pinabilang nya sakin kung ilang aklat ang nakuha ko, binilang ko naman tsaka ko isinigaw Mam lima po! Lumapit sya sa akin at sinabing anim yan "tanga" saba'y kuha sa libro at ipinalo sa ulo ko. Hindi ko alam kung namali lang ako ng bilang o sadyang hindi lang talaga ako marunong magbilang, mangiyak-ngiyak akong umuwi ng bahay at itinatanong sa aking sarili kung pano naging anim yun e lima lang talaga bilang ko.
Nakakahinga lang ako ng maluwag tuwing araw ng sabado at linggo kasi hindi ko nakikita si Ginang E., at para namang hihimatayin tuwing araw ng lunes dahil makikita nanaman ang aming Guro. Para kong mamamatay non kapag Math na ang pinag-uusapan, lalu na yung DIVISION, pakiramdam ko'y sinintensyahan ako ng silya elektrika kapag tinawag na ng aming Guro at pinag-sosolve ng division sa blackboard. Habang buhay yata akong nakatayo sa harapan sa dahilang hindi ko masagot ang dibay-dibayd, naawa nalang sakin ang aming Guro at sa wakas ay pinaupo narin ako, dahan-dahan akong umupo saba'y sabi sa aking kamag-aral na "mahirap yung natapat sakin".
Ilang buwan pa ang nakalipas nag-retired na si Ginang E. mas gusto nalang siguro nyang mamalagi nalang sa kanilang bahay dahil may edad na sya. Tuwang-tuwa naman ako noon dahil napalitan na ang aming Guro, pero magaling si Ginang E. kahit matapang kaya "saludo" ko sayo Mam, hindi ka makakaalis sa kanya ng wala kang natutunan hindi nya hahayaang manatili kang walang alam at lumaking mang-mang. ----> Itutuloy