Colt 45

Ang bawat karakter at eksena sa kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang.


Labinsiyam na taong gulang ako noong nangyari ang isang pangyayari na bumalot sa aking pagkatao. Masaya ang aming pamilya, lagi akong dumadalaw sa mga kamag-anak ko na nasa isang bayan sa probinsya ng Nueva Ecija. Halos lahat ng kamag-anak namin ay nandoon sa bayan na iyon, dahil madalas ako doon ay parang magkakapatid na ang turingan naming magpipinsan. Madalas magkaroon ng salu-salo, mga masasayang pangyayari na bumubuo sa isang magandang samahan ng isang pamilya. ---> itutuloy, tinotoyo ako

Paano ka naging bata?

                 

  • Sumasalamin ba ang mga larawan na ito sa iyong pagkabata?
  • Naging masaya ka ba bilang isang bata?
  • Nagawa mo ba ang lahat ng mga ginagawa ng isang bata?
  • Naging bata ka ba, o ipinanganak kang may responsibilidad na?
  • Nakapaglaro ka ba ng luksong baka, luksong tinik, patintero, tumbang preso, it kurikit, piko, at kung anu-ano pang mga pambatang laro?
 

Philippine Islands

Pilipinas - ako ay pinagpala dahil ako ay ipinanganak sa bansang Pilipinas. Maganda ang kultura, maayos ang pagpapalaki ng mga magulang sa mga anak na nagbuhat pa sa mga lolo at lola. Maganda ang klima, ang kapaligiran, mga karagatan, mga hayop, may pagtutulungan, may "bayanihan", may pagkakaisa. Ganito parin ba sa Pilipinas? Ikaw sa tingin mo. Gumawa ako ng "rap" noong ako nasa unang taon ng kolehiyo, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at gumawa ako ng rap, hindi naman ako rapper. Wala naman itong pinatutungkulan.



Mga pinuno kailangan ng serbisyo
Upang umunlad at umasenso
Ang peso bumababa ang presyo
Bilihin ay tumataas
Kaban ng Bayan laging winawaldas
Taong bayan gusto ng mag-aklas
Sa kahirapan pulso ay nilaslas
Tulungan ito ang kailangan
Upang umunlad at umasenso ang ating Bayan
Awayan, hindi to paraan
Puro nalang alitan at puro inggitan
Hindi makakabangon
Hindi tayo susulong
Kabataan nanghihingi ng tulong
Upang tayong lahat ay maka-ahon

Chorus:

Walang mangyayari
Kung puno ng away at labanan
(Repeat 2x)

Nasisikmura mo ba
Kumain ng nakaw na pera
Pag-aari na ng iba
Pilit parin kinukuha
Bakit hindi ka magtrabaho
Huwag kang umasa kung kani-kanino
Kung ganyan ang gawa mo
Hindi ko kailangan ang yong serbisyo

Chorus:


Walang mangyayari
Kung puno ng away at labanan
(Repeat 2x)

Sila'y naghihintay
Na may umalalay gumabay at kayo ay sumabay
Kapwa Pilipino
Nagtatalo-talo
Mga rebelde't sundalo
Iba't iba ang prinsipyo
Bakit hindi magkaisa
Iisa ang pasya
Kung hindi magbabago
Lahat magugulo
Lahat ng Pilipino
Masisiraan ng ulo

Chorus:

Walang mangyayari
Kung puno ng away at labanan
(Repeat 2x)

lamok at langaw

Sa isang madawag na kagubatan.

May dalawang karakter na bubuhay sa kwentong ito. Si lamok at si langaw, ang dalawang nakakaasar na kulisap, hayop, peste, impakto. Ano nga ba ang eksaktong tawag sa dalawang ito? Kapag naririnig ko kasi yung mga kapit-bahay namin ang sinasabi nila "IMPAKTONG LAMOK TO" bakit hindi pa mawala sa mundo. Ganun din sa langaw nung minsang may sugat yung pinsan ko, ang sabi nya, "PESTE KANG LANGAW KA" papatayin kita.

  • Ilan na sa inyo ang naasar sa langaw kapag may sugat kayo?
  • Ilan naman ang hindi pinatulog ng lamok na bukod sa maingay na eh nangangagat pa?
Nagkita sa daan si pesteng langaw at impaktong lamok.

Lamok: Pesteng langaw! Saan ka galing?
Langaw: Sa ta#.
Lamok: Saan?
Langaw: Sa t#e.
Lamok: Ta#?
Langaw: Oo, binge ba u?
Lamok: Bakit ang baho ng hininga mo? Ano ba kinain mo?
Langaw: Ta#! eh kesa naman sayo, dugo ng may dugo ang kinakain mo.

Habang nagtatalo ang dalawang  impakto, nakita nila si langgam na naghahakot ng kanyang pagkain para sa tag-ulan.

Lamok: Langaw! Bakit hindi mo nalang gayahin si langgam, nag-iimbak sya ng kanyang pagkain para sa tag-ulan.
Langaw: Ako mag-iimbak? Mag-iipon ako ng maraming t#e? Ade nalusaw yun pagsapit ng tag-ulan. Bakit hindi nalang ikaw lamok ang gumaya kay langgam?
Lamok: Eh saan ko naman ilalagay yung maraming dugo? Tsaka magmimistulang "blood bank" ung bahay ko.
Langaw: Nakatikim ka na ba ng dugong bughaw?
Lamok: Yun nga ang pangarap kong matikman eh, yung "royal blood".
Langaw: Ako, pag nagugutom ako, naghihintay lang ako ng bulok na prutas, bulok na hayop, bulok na sugat, at higit sa lahat "TA#". Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko na tulad ni langgam para maghanap lang ng aking ikabubuhay?
Lamok: Kung sabagay may punto ka, ako nga rin eh nag-aabang lang ng aking mabibiktima, kaso lagi akong puyat.
Langaw: Bakit ka laging puyat, sa call center ka ba nagtatrabaho?
Lamok: Anong call center? kaya ako puyat kasi sa gabi ako nambibiktima, para tulog na yung mga hayop o tao na kakagatin ko.
Langaw: Ganun ba un? Ta# lang kasi alam ko eh.

Dapat bang tularan si lamok at langaw?

a) tutularan ko sila para hindi na ako mahirapan sa paghahanap-buhay, mag-aabang nalang ako ng aking ikabubuhay araw-araw.

b) maghihintay nalang ako ng "ta#".

c) gagayahin ko si lamok at maghihintay ako ng gamit na "carefree".

d) magiging masipag ako at kapaki-pakinabang na mamamayan.

e) tutularan ko si langgam at kakagatin ko kayo sa talampakan.

jeepney

Jeep - Ito ang pangunahing transportasyon na ginagamit sa ating bansa, mura na accessible pa, dahil kahit saang sulok yata ng Pilipinas e meron nito. May mahaba, may maikli, may masikip, may maluwag, may bago, may bulok na puro kalawang pati upuan. May mabahong driver at panget na dispatcher, pero may mga maayos din naman, maayos ang damit ng driver, nakasapatos at kanais-nais ang amoy. May mga tsuper na hindi sumusunod sa mga patakaran ng lansangan at meron din naman na sumusunod sa bawat patakaran na nakatutulong sa pagdaloy ng trapiko. Ibat-ibang klase ng tao ang makikita mo sa loob ng sasakyang ito, may ibat-iba ring ginagawa habang nasa loob ng sasakyan. May mga estudyante na kung kelan nasa loob na ng jeep tsaka magrereview para sa kanyang pagsusulit. Ilan na kayang estudyante ang gumawa non? a) lahat ng estudyante sa Pilipinas b) yung mga estudyante na nagkukunwari lang na matalino, para lang masabi ng mga kasabay nila sa jeep na nagrereview sila c) isa ako sa gumawa nyan d) hindi nakapag-review dahil nanuod ng "STAR STRUCK". May mga tao din na ginagawang tulugan ang loob ng jeep, hikab dito hikab doon, "mama para! lagpas na pala ko. Meron ding mandurukot na wallet mo ang sinusubaybayan, may mga holdaper na walang ibang trabahong alam kundi ang mang-agaw. May mga braso at sikong naka-umang para sa mga babaeng malaki ang puhunan. May mga magkasintahan na minsan ay doon pa naghahalikan. Nung minsan, papauwi ako galing trabaho may nakasabay akong dalawang babaeng magkatabi sa upuan ng jeepney, yung isa ay babaeng-babae at yung isa ay kilos lalake. Napatingin ako sa dalawa, alam nyo ba kung ano ginawa? bigla ba namang naghalikan, yuck, "masuka talo". May mga taong lingon ng lingon habang daan, dahil hindi pala nila alam kung anong lugar ang kanilang pupuntahan, manong manong byaheng ano po ba to? Bakit iha saan ka ba pupunta? Cubao po, ay mali Cabiao yung nasakyan mo, ang layo Nueva Ecija na yun ah. Malabo ba ang mata oh sadya lang na TANGA? Ako, ilang beses na rin akong lumagpas sa aking pupuntahan. Bakit nga ba ako lumalagpas? a) isa ako sa TANGA b) nakatulog at tumulo pa ang laway habang daan c) kulang ang ibinayad kaya inilagpas ng tsuper d) nahiyang pumara dahil sobrang mahiyain.
May mga tsuper na sisigawan ka dahil kulang ng piso ang ibinayad mo, at kapag hihingin mo naman ang sukli mong piso, sisigawan ka parin ng tsuper at sasabihing: oo! para kang hindi susuklian ah!
Marami ka ring mga signages na makikita sa loob ng jeepney. Halimbawa: "No smoking", pero si manong pausok parin ng pausok ng sigarilyo nya. Meron pa, "Basta't driver sweet lover", sino na nakabasa nyan? Eto pa, "Kunin mo na ang katawan ko, huwag lang ang kita ko". Hindi pahuhuli ang: "Barya lang po sa umaga upang hindi maabala". Eto malupet, "hila mo HENTO ko", ang galing sa spelling nung gumawa non.
Marami kang matututunan at matutuklasan dahil sa pagsakay mo sa sasakyang ito. Ibat-ibang klase ng tao ang makakasabay mo patungo sa lugar na iyong pupuntahan, iba't-iba man ng landas ang inyong tatahakin. Sakay na, maging mabuting mamamayan at mag-byahe tayo patungo sa TAGUMPAY. 

buhay ka pa ba?

Sabi nila ang buhay ay parang singaw, mabilis na dumarating, mabilis ding nawawala. Dapat mo bang paghandaan ang pagkawala ng iyong hininga? Kailangan mo bang alamin ang araw at oras ng pagkawala ng iyong buhay? Gusto mo bang alamin kung saan ka dadalin kapag ililibing ka na? Mag-request ka nalang sa mga kamag-anak at pamilya mo na dalin ka sa gusto mong lugar. Pwedeng don ka magpalibing sa lugar na dinadaanan ng mga sasakyan para marami kang matanaw na mga nagdadaan kapag patay ka na. Pwede ring sa lugar na maraming bulaklak para mabango ka habang naaagnas ka na. Pero mas maganda huwag ka magpalibing, sabihin mo nalang sa mga kamag-anak mo na lagyan ka ng maraming "ASIN" at ibilad ka sa sikat ng araw hanggang sa matuyo ka, makikita ka na nila ng matagal pwede ka pa nilang unti-untiin kapag wala silang ulam, "KAMATIS" lang ang katapat mo. Sabihin mo rin sa pamilya mo na yung dugo na kukunin sayo ng "embalsamador" eh idonate nalang sa "REDCROSS" para makatulong ka naman kahit papano sa mga nangangailangan ng dugo. Pwede rin nilang ituhog sa stick at iihaw kapag wala silang ulam. Mas maganda rin sigurong tugtog sa araw ng libing mo eh yung "thriller" ni Michael Jackson para nakakatakot, sabihin mo rin sa pamilya mo na imbitahin yung mga "dancing inmates" sa Cebu para mailagay sa YOUTUBE ang libing mo. Huwag mong kalilimutan yung ataol, kailangan maganda yung ataol mo, palagyan mo ng grado yung salamin ng ataol para malaki yung mukha mo kapag sinilip ka ng mga taong makikiramay sayo. Mas mainam din na kulay ng ataol eh kulay pink, tapos palagyan mo ng mukha ni "BAYANI" sa bandang gilid. Tapos para maiba naman eh bilog na hugis itlog ang ipagawa mong ataol. Mas maganda din siguro kung may aircon yung ataol para presko kapag nasa loob kana. Kahit siguro anong ganda ang gawin sayo sa araw ng burol at libing mo eh balewala na rin kasi hindi mo na alam ang lahat ng iyon. Kaya habang nabubuhay tayo, gumawa na tayo ng tama. Maging mabuti at may dignidad na mamayan habang ikaw ay nabubuhay. Which is more important, the lenght of life or the quality of life? 

holdap



Sa isang masikip na eskinita.
Madilim ang daan, medyo makalat, walang ibang tao kundi ang isang lalake na nasa bandang dulo ng eskinita. Madilim ang kulay nung lalake, matipuno at mabalbas ang mukha, yung parang nakikita mong kontra-bida sa pelikula. Tama, oo tama ka, malamang ay may masamang binabalak ang lalaking ito. Lakad, tuloy lang ang lakad, nagmamasid at nakikiramdam kung ano susunod na mangyayari.
Malamang ay planado ng taong yon ang mga susunod kong galaw at tinitingnan ang bawat kilos ko. Nanginginig ang tuhod at umaalon na ang butil butil na pawis sa aking mukha, kapag natapat sa liwanag ang aking labi ay mapupuna mong tinakasan na ng dugo dahil sa sobrang putla.
Lunok ng laway, nakatungo at tuloy parin sa paglakad.
Ang lalaki'y hindi parin umaalis sa kanyang kinatatayuan, buo na sa utak ko na may masamang binabalak nga ang taong ito.
Tatlong dipa, dalawa, ayan na malapit na ako sa kanya.
Lalake: holdap ito! wag kang sisigaw, itutusok ko sayo tong "icepeak" na hawak ko.
Nagkataon naman na bente pesos nalang ang pera ko na nakalagay sa aking bulsa.
Ako: pasensya na po wala po akong pera ngayon.
Lalake: ganon ba? eh kelan ka ba magkakapera?
Ako: sa a-kinse pa po, eh a-diyes pa lang po ngayon kung gusto nyo po ibigay nyo po sakin yung cellphone number nyo para po itetext ko kayo kung may pera na po ako.
Lalake: sige, 09182345301, huwag mo lang ipamimigay sa iba at baka malaman ng asawa ko.
Ako: ay smart po pala kayo, globe po ako eh, pero okey lang po itetext ko po kayo. Paano po, aalis na po ako.
Lalake: sige.
Ako: eh tanggalin nyo na po muna yung icepeak na nakatutok sakin.
Lalake: ay oo nga pala, pasensya ka na iho, sige ingat ka ha, maraming masasamang loob dyan.
Ako: opo, salamat po!
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang tuktok ng Mt. Everest, "JOKE".
Tatlo, dalawa, isang hakbang at nakarating din ako sa harap ng pintuan namin, umuwi ako na lagpas sa aking tuhod ang aking dila dahil sa pagod. Natulog akong nabalot ng pagkatakot ang aking pagkatao.
A-kinse, araw ng sweldo.
Ako: text: my pera n po aq!
Lalake: reply: hu u b?:-)
Ako: text: secret!
Lalake: hu u b kc? jejeje, san u nkuha # q?
Planado ang lahat, nakipag-ugnayan ako sa mga pulis upang mahuli ang masamang taong yon, pinag-aralan ng mga pulis ang mga gagawin naming hakbang para sa interogasyon na aming gagawin. Ang deskripsyon ng muka, ang luwang ng eskinita at kung saan sila pupwesto sa araw ng interogasyon. Hanggang sa mahuli na nga ang masamang tao na yon na mahilig makipag-text mate.
Bakit nga ba may mga taong masama? Likas bang masama sila o pinasama lang sila ng sistema? Ginagawa ba nila yon dahil wala silang alam na ibang trabaho o nakasanayan nalang at ayaw na talagang magbanat ng buto? Masarap bang kumain na galing sa nakaw na pera? Katwiran bang walang makain ang pamilya mo? Naisip mo bang baka walang makain ngayon ang taong ninakawan mo?
----> ang lahat ng yan ay likha lang ng malikot kong isipan. haha