Sa isang masikip na eskinita.
Madilim ang daan, medyo makalat, walang ibang tao kundi ang isang lalake na nasa bandang dulo ng eskinita. Madilim ang kulay nung lalake, matipuno at mabalbas ang mukha, yung parang nakikita mong kontra-bida sa pelikula. Tama, oo tama ka, malamang ay may masamang binabalak ang lalaking ito. Lakad, tuloy lang ang lakad, nagmamasid at nakikiramdam kung ano susunod na mangyayari.
Malamang ay planado ng taong yon ang mga susunod kong galaw at tinitingnan ang bawat kilos ko. Nanginginig ang tuhod at umaalon na ang butil butil na pawis sa aking mukha, kapag natapat sa liwanag ang aking labi ay mapupuna mong tinakasan na ng dugo dahil sa sobrang putla.
Lunok ng laway, nakatungo at tuloy parin sa paglakad.
Ang lalaki'y hindi parin umaalis sa kanyang kinatatayuan, buo na sa utak ko na may masamang binabalak nga ang taong ito.
Tatlong dipa, dalawa, ayan na malapit na ako sa kanya.
Lalake: holdap ito! wag kang sisigaw, itutusok ko sayo tong "icepeak" na hawak ko.
Nagkataon naman na bente pesos nalang ang pera ko na nakalagay sa aking bulsa.
Ako: pasensya na po wala po akong pera ngayon.
Lalake: ganon ba? eh kelan ka ba magkakapera?
Ako: sa a-kinse pa po, eh a-diyes pa lang po ngayon kung gusto nyo po ibigay nyo po sakin yung cellphone number nyo para po itetext ko kayo kung may pera na po ako.
Lalake: sige, 09182345301, huwag mo lang ipamimigay sa iba at baka malaman ng asawa ko.
Ako: ay smart po pala kayo, globe po ako eh, pero okey lang po itetext ko po kayo. Paano po, aalis na po ako.
Lalake: sige.
Ako: eh tanggalin nyo na po muna yung icepeak na nakatutok sakin.
Lalake: ay oo nga pala, pasensya ka na iho, sige ingat ka ha, maraming masasamang loob dyan.
Ako: opo, salamat po!
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang tuktok ng Mt. Everest, "JOKE".
Tatlo, dalawa, isang hakbang at nakarating din ako sa harap ng pintuan namin, umuwi ako na lagpas sa aking tuhod ang aking dila dahil sa pagod. Natulog akong nabalot ng pagkatakot ang aking pagkatao.
A-kinse, araw ng sweldo.
Ako: text: my pera n po aq!
Lalake: reply: hu u b?:-)
Ako: text: secret!
Lalake: hu u b kc? jejeje, san u nkuha # q?
Planado ang lahat, nakipag-ugnayan ako sa mga pulis upang mahuli ang masamang taong yon, pinag-aralan ng mga pulis ang mga gagawin naming hakbang para sa interogasyon na aming gagawin. Ang deskripsyon ng muka, ang luwang ng eskinita at kung saan sila pupwesto sa araw ng interogasyon. Hanggang sa mahuli na nga ang masamang tao na yon na mahilig makipag-text mate.
Bakit nga ba may mga taong masama? Likas bang masama sila o pinasama lang sila ng sistema? Ginagawa ba nila yon dahil wala silang alam na ibang trabaho o nakasanayan nalang at ayaw na talagang magbanat ng buto? Masarap bang kumain na galing sa nakaw na pera? Katwiran bang walang makain ang pamilya mo? Naisip mo bang baka walang makain ngayon ang taong ninakawan mo?
----> ang lahat ng yan ay likha lang ng malikot kong isipan. haha

2 comments:
naks naman pangcomedy skit talaga hahaha!!! swaludo dalawang kamay namin!!
hahaha comedy x)
Playgroup Singapore
Post a Comment