kadbin ka ba ng san antonio?

Kung KADBIN ka ng San Antonio nasan ka man ngayon siguradong alam mo ang lahat ng ito. >>Pres. Glenda, yan ang pangulo non nung nagsimula akong makihalubilo sa mga kasama at kasangga sa pananampalataya nung mga panahong iyon. Naging Bise Presindente din ako sa aming kapisanan na kung tawagin ay KADIWA, ewan ko ba kung bkit ako ang kinuhang pangalawang pangulo ni Pangulong Glenda, wala lang yata talagang makuha kaya ayun ako nakita.
Ang mabait na nangangalaga sa aming lahat noon ay si "KA GALING", kung buhay ka na sa panahong iyon ay siguradong kilala mo yon. May mga anak sya na lagi rin naming kasama, >>ANAK1- palangiti, hanggang tenga ang smile pag nakita ka nya, maraming humahanga sa kanya yun nga lang lahat ay may diperensya. >>ANAK2- eto maraming nanligaw dito, nagsabay pang manligaw yung magkapatid na si A_v_n at Te_a, at ang pinalad ay si bunso, ay hindi na pala sya bunso.
Anibersaryo ng aming Lokal noong nagsimula akong gumawa ng comedy skit, hindi ko nga alam kung papatok sa manunuod yung ginawa ko. May tatlong punla este binhi non na nakita kong may kakayahan pagdating sa mga bagay na yon, una si Ar_i_, pangalawa si Wa_r_n at ang huli ay si A_l_n, sila yung unang gumanap sa walang kamatayang "ANAK" ni Freddie Aguilar.
Nanunuod ako ng ensayo nila ng walang kamatayang ANAK ni Freddie Aguilar ng biglang pumasok sa isip ko ang paggawa ng comedy skit, hinubog ng aking kakarampot na kukote at nahinuha ko kung ano ang magiging resulta ng aking gagawin. Nung nagpapahinga na sa bawat sulok ng likod ng kapilya ang mga artista na gaganap sa walang kamatayang ANAK ni Freddie Aguilar ay bigla ko silang nilapitan sabay tanong na, gagawa ako ng script gusto nyo ba? Pumayag naman sila, akala siguro'y marunong akong gumawa non, ang hindi nila alam nag-mamarunong lang ako.
Ayan na simula na ng palabas, kinakabahan ako kasi nasa akin ang BOSES nila, pag nagkamali ako mali rin sila. Pero ayos walang nagkamali at napatawa naman namin ung mga manunuod, ang daya nga eh napanuod ko sila sa NET25 samantalang ako hindi ko manlang nakita yung sarili ko, pero ayos lang masaya naman.
May nabalitaan ako na ako na daw ang gagawing pangulo, aalis kasi si Pangulong Glenda magtatrabaho na sya para sa ikauunlad din ng kanyang pagkatao.
Ako na nga ang naging Pangulo at si A_v_n ang naging pangalawa ko, ayos naman ang naging TAG TEAM namin. May mga katulong kami noon sa pagdalaw sa aming mga nasasakupan, sila ay ang mga sumusunod: Ailyn, Apple, Arvin, mahirap pala pag Alphabetical halu-halo nalang, Cj, Jonrei, Czarie, Bryan, Teta, Rocel, Jovic, Fae, Jelly, Mhel, Ramcel, Aries, Irene, Ellyn, Cyrus, Elgene, Jc, Airra, Aileen, Lany, Rodel, Noel, Reden at minsan kasama pa si ka Elmer. Sabay-sabay kaming kumakain non sa dahon ng saging pagkatapos naming magdalaw, masaya naman kahit mainit ang sikat ng araw. Salamat nga pala sa mga may ari ng jeep noon na minsan ay aming nasasakyan, kay Oben at kuya Ryan. Di naglaon umalis na din si A_v_n upang magtrabaho din dahil nakatapos na sya ng kanyang pag-aaral, ako nalang yata ang naiiwan.
Lumipat ng destino sila KA GALING, ang pumalit sa kanila ay si KA J_N, ung panganay na anak ni Ka J_n ang aking naging pangalawang pangulo si J_d_, magaling to, idol ko nga sya eh, meron syang "convincing power" magaling syang mag-motivate ng tao. May pumalit naman sa mga nawala na dati naming kasama ito ay ang mga sumusunod: syempre una si Dianne, ayyeeeeehhh!, mek-mek, pot-pot, nep-nep, bhim-bhim, em-em, crystal, sheena, rocendo, jerome, jeremy, jasmin joy elemento, razel, rizza, joy ann, ibe, mckenly, jayson, karen, kambal1 & kambal2, christian, jhessa, clifford, charisse, unyo, julie grace, cecile, at ivy.
Madalas kaming maglinis noon dun sa likuran at pagkatapos ay magluluto kami at sabay-sabay kaming kumakain sa dahon ng saging, natatandaan nyo pa ba yung walang kamatayang TOKWA, TALONG at TINAPA? Kung isa ka sa mga naging kasama malamang natatandaan mo pa, eh yung MUNGGO na isang katutak ang sabaw para lang kumasya? Sarap diba? Sarap balikan ng mga ala-alang lumipas na. Pero minsan nagkakaron ng tampuhan, tulad ko ang dami ko yatang nasaktan, sa mga biro kong lumalagpas na sa hanggahan. Pero kahit ganon nagkakaayos din naman kasi nga magkasangga tayo sa pananampalataya. Kaya sa mga nasaktan ko at mga nagawan ko ng kasalanan, patawad po pangako hindi ko na uulitin mamatay man yung kapit-bahay namin.

2 comments:

cHaRy said...

huh... ka touch anak ng Tokwa hehehe
kung maibabalik lang sana ang nakaraan..
siguro noon palang ginawa ko na yung tama ☺


♥♥♥love ko kayung lahaT kadbin ♥♥♥

rocel anne said...

hahahaha hanep!!!! sarap nyong kasama eh!! kung pwede lang maulit muli yun!! uy miss ko na mga katropa!!!

Post a Comment