ano ang kulay ng wala?

Paano kaya ang samahan kapag walang kulay? Hindi masyadong halata ang bawat ngiti sa mukha, walang berde, pula o asul kapag nalulungkot ka. Ikaw, hahayaan mo bang kumupas na tulad nyan ang ating samahan at sa bandang huli'y mawala ng tuluyan? Pero huwag kang mag-alala inedit ko lang ang litrato na yan, para lang may topic ako ngayon at may mapag-usapan. Taong dalawang libo't walo, buwan ng Disyembre noong nangyari ang kahindik-hindik at makapanindig-balahibo na nasa larawan na yan. Suspect no. 1 - Jerome, edad: 19, pagkakakilanlan: nakapikit, ang iba pang impormasyon itanong nyo kay bryan. Suspect no. 2 - Jonrei, edad: 18, Alyas: Boom-boom, pagkakakilanlan: mahilig tumawa kahit walang nakakatawa. Suspect no. 3 - Rocendo, edad: pakitanong sa magulang, pagkakakilanlan: malaki ang tiyan. Suspect no. 4 - Lala, edad: itanong nyo kay ka Ben Francisco, iba pang impormasyon: mag-log on lang sa http://www.joffel.com/. Suspect no. 5 - Jovic, edad: 19, tirahan: Tikiw, San antonio, may tindahan ng "manok" sa harapan ng bahay. Suspect no. 6 - Jade, edad: 24, madaling hanapin, sa kapilya bahay. Suspect no. 7 - Sheena, edad: 14, pag naka-amoy ka na ng buro malapit ka na sa bahay nila, kung sino gusto umorder sabihin lang kay Sheena. Suspect no. 8 - Ailyn, edad: 21, iba pang impormasyon itanong lang sakin, baka alam ko kasi kapatid ko yan. Suspect no. 9 - Jc, edad: 21, pagkakakilanlan: matangkad, iba pang impormasyon itanong kay Jhessa. Suspect no. 10 - Jasmin Joy Elemento, A.K.A. "BEBANG", edad: dalagindeng, madaling puntahan sa bukid ang bahay, BABALA: mag-ingat, nagpapalit anyo. Supect no. 11 - Mek-mek, edad: itanong kay Mok-mok, pagkakakilanlan: palatawa, palatandaan: pinaghalong mukha ni Danny at Lyn, madaling puntahan tabing kalsada ang bahay. Suspect no. 12 - Bhim-bhim, edad: itanong nyo kay ka Celia, tirahan: San Mariano West, may puno ng "caimito" sa gilid ng bahay. Suspect no. 13 - Czarie, edad: 18, pagkakalilanlan: parang lubak ang lalim ng dimples, iba pang impormasyon: nagtitinda ng mangga, mura lang isang kilo baka gusto nyong umorder? Suspect no. 14 - Airra, edad: 21, iba pang impormasyon: nagtitinda ng "ataol" may promo sila ngayon, buy 1 take 1, may libreng pambata. Maaari nyo syang sangguniin sa numerong 777-77-77 may libreng isang slice ng pizza, o mag-log on sa www.ataol/pambata.com. Suspect no. 15 - Razel, edad: itanong kay Rizza, pagkakakilanlan: nakatingala, tuwang-tuwa. Suspect no. 16 - Ramcel, edad: batang-bata, madaling matagpuan, kung saan may babae nandon sya. Suspect no. 17 - Jhessa, edad: 17, iba pang impormasyon itanong kay Jc. Suspect no. 18 - Dianne, iba pang impormasyon itanong lang sakin at baka alam ko. Ang huling suspect at pinuno ng SINDIKATO, ako, ako ang luko-lukong nakaisip nito. Ang maniwala "BIKTIMA".

No comments:

Post a Comment