holdap



Sa isang masikip na eskinita.
Madilim ang daan, medyo makalat, walang ibang tao kundi ang isang lalake na nasa bandang dulo ng eskinita. Madilim ang kulay nung lalake, matipuno at mabalbas ang mukha, yung parang nakikita mong kontra-bida sa pelikula. Tama, oo tama ka, malamang ay may masamang binabalak ang lalaking ito. Lakad, tuloy lang ang lakad, nagmamasid at nakikiramdam kung ano susunod na mangyayari.
Malamang ay planado ng taong yon ang mga susunod kong galaw at tinitingnan ang bawat kilos ko. Nanginginig ang tuhod at umaalon na ang butil butil na pawis sa aking mukha, kapag natapat sa liwanag ang aking labi ay mapupuna mong tinakasan na ng dugo dahil sa sobrang putla.
Lunok ng laway, nakatungo at tuloy parin sa paglakad.
Ang lalaki'y hindi parin umaalis sa kanyang kinatatayuan, buo na sa utak ko na may masamang binabalak nga ang taong ito.
Tatlong dipa, dalawa, ayan na malapit na ako sa kanya.
Lalake: holdap ito! wag kang sisigaw, itutusok ko sayo tong "icepeak" na hawak ko.
Nagkataon naman na bente pesos nalang ang pera ko na nakalagay sa aking bulsa.
Ako: pasensya na po wala po akong pera ngayon.
Lalake: ganon ba? eh kelan ka ba magkakapera?
Ako: sa a-kinse pa po, eh a-diyes pa lang po ngayon kung gusto nyo po ibigay nyo po sakin yung cellphone number nyo para po itetext ko kayo kung may pera na po ako.
Lalake: sige, 09182345301, huwag mo lang ipamimigay sa iba at baka malaman ng asawa ko.
Ako: ay smart po pala kayo, globe po ako eh, pero okey lang po itetext ko po kayo. Paano po, aalis na po ako.
Lalake: sige.
Ako: eh tanggalin nyo na po muna yung icepeak na nakatutok sakin.
Lalake: ay oo nga pala, pasensya ka na iho, sige ingat ka ha, maraming masasamang loob dyan.
Ako: opo, salamat po!
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang tuktok ng Mt. Everest, "JOKE".
Tatlo, dalawa, isang hakbang at nakarating din ako sa harap ng pintuan namin, umuwi ako na lagpas sa aking tuhod ang aking dila dahil sa pagod. Natulog akong nabalot ng pagkatakot ang aking pagkatao.
A-kinse, araw ng sweldo.
Ako: text: my pera n po aq!
Lalake: reply: hu u b?:-)
Ako: text: secret!
Lalake: hu u b kc? jejeje, san u nkuha # q?
Planado ang lahat, nakipag-ugnayan ako sa mga pulis upang mahuli ang masamang taong yon, pinag-aralan ng mga pulis ang mga gagawin naming hakbang para sa interogasyon na aming gagawin. Ang deskripsyon ng muka, ang luwang ng eskinita at kung saan sila pupwesto sa araw ng interogasyon. Hanggang sa mahuli na nga ang masamang tao na yon na mahilig makipag-text mate.
Bakit nga ba may mga taong masama? Likas bang masama sila o pinasama lang sila ng sistema? Ginagawa ba nila yon dahil wala silang alam na ibang trabaho o nakasanayan nalang at ayaw na talagang magbanat ng buto? Masarap bang kumain na galing sa nakaw na pera? Katwiran bang walang makain ang pamilya mo? Naisip mo bang baka walang makain ngayon ang taong ninakawan mo?
----> ang lahat ng yan ay likha lang ng malikot kong isipan. haha

ano ang kulay ng wala?

Paano kaya ang samahan kapag walang kulay? Hindi masyadong halata ang bawat ngiti sa mukha, walang berde, pula o asul kapag nalulungkot ka. Ikaw, hahayaan mo bang kumupas na tulad nyan ang ating samahan at sa bandang huli'y mawala ng tuluyan? Pero huwag kang mag-alala inedit ko lang ang litrato na yan, para lang may topic ako ngayon at may mapag-usapan. Taong dalawang libo't walo, buwan ng Disyembre noong nangyari ang kahindik-hindik at makapanindig-balahibo na nasa larawan na yan. Suspect no. 1 - Jerome, edad: 19, pagkakakilanlan: nakapikit, ang iba pang impormasyon itanong nyo kay bryan. Suspect no. 2 - Jonrei, edad: 18, Alyas: Boom-boom, pagkakakilanlan: mahilig tumawa kahit walang nakakatawa. Suspect no. 3 - Rocendo, edad: pakitanong sa magulang, pagkakakilanlan: malaki ang tiyan. Suspect no. 4 - Lala, edad: itanong nyo kay ka Ben Francisco, iba pang impormasyon: mag-log on lang sa http://www.joffel.com/. Suspect no. 5 - Jovic, edad: 19, tirahan: Tikiw, San antonio, may tindahan ng "manok" sa harapan ng bahay. Suspect no. 6 - Jade, edad: 24, madaling hanapin, sa kapilya bahay. Suspect no. 7 - Sheena, edad: 14, pag naka-amoy ka na ng buro malapit ka na sa bahay nila, kung sino gusto umorder sabihin lang kay Sheena. Suspect no. 8 - Ailyn, edad: 21, iba pang impormasyon itanong lang sakin, baka alam ko kasi kapatid ko yan. Suspect no. 9 - Jc, edad: 21, pagkakakilanlan: matangkad, iba pang impormasyon itanong kay Jhessa. Suspect no. 10 - Jasmin Joy Elemento, A.K.A. "BEBANG", edad: dalagindeng, madaling puntahan sa bukid ang bahay, BABALA: mag-ingat, nagpapalit anyo. Supect no. 11 - Mek-mek, edad: itanong kay Mok-mok, pagkakakilanlan: palatawa, palatandaan: pinaghalong mukha ni Danny at Lyn, madaling puntahan tabing kalsada ang bahay. Suspect no. 12 - Bhim-bhim, edad: itanong nyo kay ka Celia, tirahan: San Mariano West, may puno ng "caimito" sa gilid ng bahay. Suspect no. 13 - Czarie, edad: 18, pagkakalilanlan: parang lubak ang lalim ng dimples, iba pang impormasyon: nagtitinda ng mangga, mura lang isang kilo baka gusto nyong umorder? Suspect no. 14 - Airra, edad: 21, iba pang impormasyon: nagtitinda ng "ataol" may promo sila ngayon, buy 1 take 1, may libreng pambata. Maaari nyo syang sangguniin sa numerong 777-77-77 may libreng isang slice ng pizza, o mag-log on sa www.ataol/pambata.com. Suspect no. 15 - Razel, edad: itanong kay Rizza, pagkakakilanlan: nakatingala, tuwang-tuwa. Suspect no. 16 - Ramcel, edad: batang-bata, madaling matagpuan, kung saan may babae nandon sya. Suspect no. 17 - Jhessa, edad: 17, iba pang impormasyon itanong kay Jc. Suspect no. 18 - Dianne, iba pang impormasyon itanong lang sakin at baka alam ko. Ang huling suspect at pinuno ng SINDIKATO, ako, ako ang luko-lukong nakaisip nito. Ang maniwala "BIKTIMA".

nasaan ka ba dito?

Kasama ka ba sa nag-iingay habang may nakatayo at nagsasalita sa harapan mo? O nakaupo ka lang at ninanamnam ang bawat salita na sa harap mo'y nagmumula? Dapat mo nga bang baguhin yon o manatili nalang na ganon? Ako? Oo, tama marami rin akong maling ginawa na sa iba'y nakapagpahina. Nakita nila ang mga mali kong umaanino rin sa kanilang pagkatao, kinukubli ng hindi mo pagkibo at pagbabalat-kayo. Bakit nga ba may mga taong sadyang mahilig pumuna? Pinupuna ang bawat kilos mo at mga salita, ngunit ang mali nya'y hindi nya magawang itama. Oopss, teka teka teka muna itigil muna natin yung drama, balik tayo sa masasayang ala-ala. Sayang naman tong "picture" na to kung puro negatibo lang ang sasabihin ko. Naala-ala nyo pa ba ang lugar na yan kung saan nagpakuha tayo ng litrato? Sa hindi po nakakaalam, ang lugar na yan ay sa "New Zealand", ang ganda di ba BERDE ang paligid kahalintulad ng mga utak ng nasa paligid ko, oopss, sa mga kasama ko dito huwag kayong magalit JOKE lang yon. Ikaw na nagbabasa ngayon kung sino ka man huwag kang maniwala na sa New Zealand yan, IMBENTO ko lang yon. Ang lugar na yan ay sa "MALIGAYA" nag-tree planting kami ng aking mga kasangga sa pananampalataya. Nakapag-tanim naman ako ng tatlong puno, hindi ko nga lang alam kung ano na ang nangyari sa itinanim ko. Ano nga kaya? a) lumaki ang puno at umabot sa ulap b) namatay ang puno at hindi sya naihatid sa huling hantungan at hindi sya nabigyan ng matiwasay at maayos na burol c) namunga ang puno pero kinain ng ibon d) wala sa nabanggit. Teka nga mga kasama, matanong nga kita, nakapag-tanim ka ba? a) nagtanim hindi lang halata b) nagpa-picture pagkatapos kumain c) huwag kang magbintang, nagtanim ako d) naiwan sa tikiw dahil "late". Sa mga hindi namin nakasama dito, sayang naman, kasama sana kayo sa mga masasayang ala-alang pilit paring binabalik-balikan. Sa "BAGUMBUHAY" ang bundok na aming pagtataniman. Pag-akyat palang ng bundok ang saya na, may mga dala kaming piko, asarol, pala, at mga punong itatanim na dalawang metro ang taas. Sigaw dito, sigaw doon, sigaw ng mga taong nadudulas. Mainit ang sikat ng araw, madulas ang daan, pawisan, pero masaya, umaalingawngaw ang mga halakhak na nakakapawi ng pagod at uhaw. Kapag may nadulas, tawa, sa katatawa nadulas, tawa ulit, hanggang sa marating namin ang tuktok ng bundok. Ang sarap pala kapag ikaw ay nasa tuktok, makikita mo ang buong kapaligiran sa paanan ng bundok at ang mkakapal na ulap sa itaas na animo'y usok. Nagtanim kami ng mga punong sumisimbulo sa aming pagkakaisa at pagtutulungan, bubuhayin ng sikat ng araw at pagpatak ng ulan. Yayabong at magiging matatag habang kami'y nabubuhay.

iba pang ala-ala

Kailan ka huling sumama sa mga kasangga mo sa pananampalataya upang dalawin nyo ang mga kapatid nyong sa pagdalaw ay uhaw?, natatandaan mo pa ba?, o baka naman nakakalimot ka? >>Call time 8:00 AM<<>>Mckenly at Joy Ann, yan ang unang dumadating sa oras na pinag-usapan, minsan nga nauunahan pa ko nung dalawang magkapatid na un eh. >>8:15<<>>text: nsan na kayo d2 n kmi? >>8:20, Ayan dumating na si Jonrei, puntahan natin si Mek-mek, punta balik ulit ng kapilya, may dumating ulit yung magkapatid na Pot-pot at Nep-nep. >>text: mga kapatid punta n kyo d2,.. May humahabol si Ailyn at Czarie dala yung motor nya, meron pa si Dianne, Razel, Jhessa at Jasmin. Si Jade nandon sa kanila naghihintay lang, >>text: Jade d2 n kmi, >>reply: mrami n kyo? >>text: oo, marami n kmi,.. >>8:30<<>>Rocel, text: nsan n kyo? >>reply: d2 s kpilya, >>text: ge, punta nq jn. Oops! may humahabol ulit si Jc at Jerome, dumadami na kami, eto pa isa si Jovic, ayos marami na. Unang ruta: magkatid na Honey Mae at Lucky Jem, tao po! tao po! silip sa pinto, ay may tao na, ayan ayaw lang lumabas. Sunod na ruta: kila Apple Medina, silip sa tindahan, ayos nandon si Apple bantay ng tindahan, lipat ulit ng bahay. Sunod na ruta: Ibe, tao po! tao po! pabili nga po ng ice candy, lalabas si Ibe nakangiti. Lipat ulit, sunod na ruta: Crystal, tao po! tao po! biglang may lalabas na makukulit na bata, nakakatuwa sila, lalu na yung bunso si Baby, oops! may meryenda, wag ka ng mag-abala, >>kain<(ok na yan)>kain ulit. Sunod saan tayo? Kila Aries, tao po! tao po! ASO<(tao po!)> ASO ulit<<. lalabas si Aries, tara sama ka samin, hintayin nyo ko magpapalit lang ako ng damit. Sunod na ruta: madawag na kagubatan, ay kila Robinson pala. Ano saan ang susunod? Kila Karen tayo, tao po! tao po! lalabas si Karen, takip ng tenga. Yung iba punta kila kambal, ano saan na tayo? Sunod na ruta: kila Elgene, tao po! tao po! lalabas yung tita, Elgene! Elgene!, naku nakaupo pala sa TRONO, labas si Elgene namumula. Sunod na ruta: Roniel, tao po! ayeeehhh, sabay asar kay Jhessa. >>Jade: saan na tayo? sumagot sabay-sabay; KALYE BANAL!! Ayan na kinakabahan na yung iba, una mong makikita si Sheena, nakangiti, tanong ng iba; bakit hindi ka sumama? Sheena: bantay ako sa tindahan eh. Bakit ba KALYE BANAL? ewan ko ba kung kanino nagmula ang tawag na yon, basta ang alam ko puro kasangga ang nakatira dito. Nakahinga na ng maluwag palabas na kasi kami sa KALYE BANAL, sandali, kunin nyo muna yung "ice drop" na inaalok ni ka Nida, sayang din yan. Saan tayo? Kila Cyrus, lakad punta kila Cyrus, kwento, Mek-mek tawa, mag-jojoke ako, Jonrei tawa, tawa, tawa ulit. Huling ruta kila Ramcel at Bhim-bhim: tao po! labas si Bhim-bhim, kuya! kuya! labas si Ramcel nakahubad kagigising lang, nakangiti, bakit hindi ka sumama? ngiti ulit, kagigising ko lang eh. Kwentuhan muna, tawa, kwento, tawa, nasan na si Jasmin ang paborito kong asarin? pag narinig nila TAWA, tawa, tawa ulit, saya diba? Bandang huli pansamantala kaming maghihiwa-hiwalay, may NGITI sa muka na uuwi ng bahay.

kadbin ka ba ng san antonio?

Kung KADBIN ka ng San Antonio nasan ka man ngayon siguradong alam mo ang lahat ng ito. >>Pres. Glenda, yan ang pangulo non nung nagsimula akong makihalubilo sa mga kasama at kasangga sa pananampalataya nung mga panahong iyon. Naging Bise Presindente din ako sa aming kapisanan na kung tawagin ay KADIWA, ewan ko ba kung bkit ako ang kinuhang pangalawang pangulo ni Pangulong Glenda, wala lang yata talagang makuha kaya ayun ako nakita.
Ang mabait na nangangalaga sa aming lahat noon ay si "KA GALING", kung buhay ka na sa panahong iyon ay siguradong kilala mo yon. May mga anak sya na lagi rin naming kasama, >>ANAK1- palangiti, hanggang tenga ang smile pag nakita ka nya, maraming humahanga sa kanya yun nga lang lahat ay may diperensya. >>ANAK2- eto maraming nanligaw dito, nagsabay pang manligaw yung magkapatid na si A_v_n at Te_a, at ang pinalad ay si bunso, ay hindi na pala sya bunso.
Anibersaryo ng aming Lokal noong nagsimula akong gumawa ng comedy skit, hindi ko nga alam kung papatok sa manunuod yung ginawa ko. May tatlong punla este binhi non na nakita kong may kakayahan pagdating sa mga bagay na yon, una si Ar_i_, pangalawa si Wa_r_n at ang huli ay si A_l_n, sila yung unang gumanap sa walang kamatayang "ANAK" ni Freddie Aguilar.
Nanunuod ako ng ensayo nila ng walang kamatayang ANAK ni Freddie Aguilar ng biglang pumasok sa isip ko ang paggawa ng comedy skit, hinubog ng aking kakarampot na kukote at nahinuha ko kung ano ang magiging resulta ng aking gagawin. Nung nagpapahinga na sa bawat sulok ng likod ng kapilya ang mga artista na gaganap sa walang kamatayang ANAK ni Freddie Aguilar ay bigla ko silang nilapitan sabay tanong na, gagawa ako ng script gusto nyo ba? Pumayag naman sila, akala siguro'y marunong akong gumawa non, ang hindi nila alam nag-mamarunong lang ako.
Ayan na simula na ng palabas, kinakabahan ako kasi nasa akin ang BOSES nila, pag nagkamali ako mali rin sila. Pero ayos walang nagkamali at napatawa naman namin ung mga manunuod, ang daya nga eh napanuod ko sila sa NET25 samantalang ako hindi ko manlang nakita yung sarili ko, pero ayos lang masaya naman.
May nabalitaan ako na ako na daw ang gagawing pangulo, aalis kasi si Pangulong Glenda magtatrabaho na sya para sa ikauunlad din ng kanyang pagkatao.
Ako na nga ang naging Pangulo at si A_v_n ang naging pangalawa ko, ayos naman ang naging TAG TEAM namin. May mga katulong kami noon sa pagdalaw sa aming mga nasasakupan, sila ay ang mga sumusunod: Ailyn, Apple, Arvin, mahirap pala pag Alphabetical halu-halo nalang, Cj, Jonrei, Czarie, Bryan, Teta, Rocel, Jovic, Fae, Jelly, Mhel, Ramcel, Aries, Irene, Ellyn, Cyrus, Elgene, Jc, Airra, Aileen, Lany, Rodel, Noel, Reden at minsan kasama pa si ka Elmer. Sabay-sabay kaming kumakain non sa dahon ng saging pagkatapos naming magdalaw, masaya naman kahit mainit ang sikat ng araw. Salamat nga pala sa mga may ari ng jeep noon na minsan ay aming nasasakyan, kay Oben at kuya Ryan. Di naglaon umalis na din si A_v_n upang magtrabaho din dahil nakatapos na sya ng kanyang pag-aaral, ako nalang yata ang naiiwan.
Lumipat ng destino sila KA GALING, ang pumalit sa kanila ay si KA J_N, ung panganay na anak ni Ka J_n ang aking naging pangalawang pangulo si J_d_, magaling to, idol ko nga sya eh, meron syang "convincing power" magaling syang mag-motivate ng tao. May pumalit naman sa mga nawala na dati naming kasama ito ay ang mga sumusunod: syempre una si Dianne, ayyeeeeehhh!, mek-mek, pot-pot, nep-nep, bhim-bhim, em-em, crystal, sheena, rocendo, jerome, jeremy, jasmin joy elemento, razel, rizza, joy ann, ibe, mckenly, jayson, karen, kambal1 & kambal2, christian, jhessa, clifford, charisse, unyo, julie grace, cecile, at ivy.
Madalas kaming maglinis noon dun sa likuran at pagkatapos ay magluluto kami at sabay-sabay kaming kumakain sa dahon ng saging, natatandaan nyo pa ba yung walang kamatayang TOKWA, TALONG at TINAPA? Kung isa ka sa mga naging kasama malamang natatandaan mo pa, eh yung MUNGGO na isang katutak ang sabaw para lang kumasya? Sarap diba? Sarap balikan ng mga ala-alang lumipas na. Pero minsan nagkakaron ng tampuhan, tulad ko ang dami ko yatang nasaktan, sa mga biro kong lumalagpas na sa hanggahan. Pero kahit ganon nagkakaayos din naman kasi nga magkasangga tayo sa pananampalataya. Kaya sa mga nasaktan ko at mga nagawan ko ng kasalanan, patawad po pangako hindi ko na uulitin mamatay man yung kapit-bahay namin.